 | sa piling ng mga utot ng daigdig | Jul 31, 2007 |
isang mapagpalayang araw sa iyo, kaibigan. ikinagagalak ko ang iyong pagdalaw. subalit ikinalulungkot ko, wala kang makikitang makabuluhan dito. para ka lang pumunta sa embassy tapos nakapambahay ka. o para ka lang nakiupag-usap kay tim yap at sinabi mong "pare, ikaw ang isa sa mga dahilan kung bakit ganito ang bayan natin." o para ka lang nagbalak uminom tapos san mig light binili mo. o para ka lang tumula tapos... iyon na iyon, o para ka lang tumula.
pero kung matigas ang ulo mo, kaibigan, at magpapatuloy ka pa rin. takpan mo muna ang ilong mo. sapagkat kahit tumitingin at nagbabasa ka lang, may maaamoy ka.